Ito ang aking pangalawang pagkakataon na gumawa ng isang blog. Para sa akin ang paggawa ng isang blog ay masaya at nakakaaliw. Sa palagay ko ito ay lubhang kapaki-pakinabang at maaari itong mapabuti ang aking mga kasanayan sa pagsusulat. Ang nakasulat sa panuntunan ng rubrik ay: Blog tungkol sa "Pagkakaibigan" ngunit bago ko pag-usapan ang tungkol sa pagkakaibigan ay tatalakayin muna natin kung ano ang nangyari sa nakalipas na dalawang linggo kasi ito ay isang talaarawan. Sa Integrated Science Tinalakay namin ang tungkol sa tubig. Ang tubig ay mahalaga sa buhay ng tao, hayop, halaman, mga puno at iba pang mga bagay na may buhay. Mayroon itong iba't ibang katangian. Ang mga kaibigan ay mahintulad sa isang tubig kasi ito man ay may iba't ibang mga katangian. Kung ang tubig ay may atraksyon sa kapwa tubig, ito ay cohesion. Kung ang tubig ay may atraksyon sa ibang sangkap, ito ay tinatawag na adhesion. Ang pagkaikaibigan ay parang cohesion at adhesion d
Mga Post
Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2018
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Ito ang aking unang pagkakataon na gumawa ng isang blog kasi sinabi sa amin ng aming guro na gumawa nito para sa aming proyekto sa Filipino sa ika-apat na kwarter. Sa buong linggo, ito ang natutunan ko sa lahat ng mga sabjek namin: A . Integrated Science: Kami ay nagkaroon ng isang eksperimento tungkol sa lupa. Nakakuha kami ng iba’t ibang klase ng lupa at sinubukan naming tukuyin kung anong uri ng lupa ito, ang pagkakahabi at kung paano ito kilalanin. Naaaliw kami tuwing gumagawa ng eksperimento. Humukay kami ng lupa upang makuha namin ang ilang mga halimbawa. Noong Huwebes, itinalaga ni Sir Robi sa amin ang aming mga worksheets upang malaman namin ang tungkol sa tubig. B. Math Tinalakay namin ang tungkol sa Factoring at ang Pascal's triangle. Sa Factoring, mayroong ilang mga pamamaraan at formula upang makuha ang solusyon. Ito ay mahalaga sa matematika dahil nais nating gawing simple ang mga bagay hangga't maaari. Ito ang dahilan kun