Ito ang aking pangalawang pagkakataon na gumawa ng isang blog. Para sa akin ang paggawa ng isang blog ay masaya at nakakaaliw. Sa palagay ko ito ay lubhang kapaki-pakinabang at maaari itong mapabuti ang aking mga kasanayan sa pagsusulat. Ang nakasulat sa panuntunan ng rubrik ay: Blog tungkol sa "Pagkakaibigan" ngunit bago ko pag-usapan ang tungkol sa pagkakaibigan ay tatalakayin muna natin kung ano ang nangyari sa nakalipas na dalawang linggo kasi ito ay isang talaarawan.
Din at Rin/Daw at Raw Nang at Ng
Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat kung gaano na kayo katagal nagkakilala. Ang mahalaga ay nagkakaintindihan kayo sa isa't-isa. Hindi rin batayan sa pagkakaibigan kung sino ang nagbigay o humingi ng payo.
Hindi kailangang magkakilala kayo ng personal para lang masabing magkaibigan kayo.
Sa panahon ng teknolohiya ngayon, may mga pagkakaibigan na nabubuo sa isang social networking sites katulad ng Facebook, Instagram at Pinterest.
Kahit ang mga nasabing magkaibigang tunay ay hindi rin nawawala ang pagtatampuhan kung minsan.Pero sa huli, ang tunay na pagkakaibigan ay namamayani at isasantabi ang sama ng loob sa isa't isa.
Sa Integrated Science
Tinalakay namin ang tungkol sa tubig. Ang tubig ay mahalaga sa buhay ng tao, hayop, halaman, mga puno at iba pang mga bagay na may buhay. Mayroon itong iba't ibang katangian. Ang mga kaibigan ay mahintulad sa isang tubig kasi ito man ay may iba't ibang mga katangian.
Kung ang tubig ay may atraksyon sa kapwa tubig, ito ay cohesion. Kung ang tubig ay may atraksyon sa ibang sangkap, ito ay tinatawag na adhesion. Ang pagkaikaibigan ay parang cohesion at adhesion din lamang. Ibig kong sabihin, na pwede tayong makikitungo sa kapwa lalaki o babae, sa kasing edad natin o hindi, sa kaklase natin o ibang baitang. Ika nga, madali tayong mapakitutunguhan.
The Water Cycle
Tubig/Water
Natutunan ko rin na dapat natin alagaan ang ating mga tubig dahil napakaswerte natin sa Pilipinas at napapaligiran tayo ng mga ito. Hindi katulad ng Africa na kung saan hirap na hirap sila makakuha ng tubig.
Iyon nga lamang dahil sa pag-aabusado ng mga tao sa regalo ng Diyos, ito ay napabayaan at hindi napangalagaan ng husto. Hindi dapat natin kalimutan na ang tubig ay libreng binigay sa atin ng Diyos. Pero tingnan natin ang nangyari, tayo ay napapaligiran na ng maruruming tubig at ito ay binibili na rin.
Protektahan natin dapat ang tubig datapwat ito ay isa sa mga bagay na bumubuhay sa mga tao at sa ating mga pagkain katulad ng bigas, mais, prutas mga isda at mga hayop.

Sa Math
Sa matematika, kailangan nating malaman kung paano malutas ang problema. Ang mga dahilan kung bakit hindi natin malutas ang isang problema dahil tinatamad tayo, hindi nag-iisip ng solusyon, natatakot magkamali at mahiyang magtanong.
Katulad ng mga kaibigan natin, dapat natin silang maunawaan kung may problema kasi darating ang araw na tayo naman ang mangangailangan ng tulong nila para sa mga ating mga problema.
Sa English
Tinalakay namin ang tungkol sa limang pangunahing mga pattern:
Tinalakay namin ang tungkol sa limang pangunahing mga pattern:
1. S-IV
2. S-TV-DO
3. S-LV-C
4. S-TV-IO-DO
5. S-TV-DO-OC
Ang "sentence patterns" ay ang iba't ibang simple at komplikadong mga pangungusap na ginagamit mo sa iyong pagsusulat. Ginagamit rin ito upang maunawaan kung anong uri pangungusap ang ginagamit.
Sinasabi na minsan ang mga kaibigan natin ay nakakainis at nakakapagod ngunit parang "sentence patterns" na dapat natin silang suriin ng mabuti at intindihin.
Sabi pa nila na ang pinakamaganda na bagay sa buhay ay libre. Ang mga tunay na kaibigan ay ilan sa mga pinakamaganda na bagay sa buhay na hindi mabibili ng pera.
Sa Soc. Sci.
Tinalakay namin ang tungkol sa mga impluwensya ng mga Amerikano sa Pilipinas:
Pulitika
Socio Cultural
Ekonomiya
Ang kanilang kaalaman at teknolohiya ay kanilang ibinahagi sa atin mga Filipino. Ito ay may malaking salik sa pagbabago ng katayuan ng Pilipinas. Nakakalungkot na sa panahon ng rebolusyon, ang pinakamalaking kaaway ng mga Filipino ay ating sarili. Sabi nga:
"Hindi mga dayuhan ang kalaban ng ating lipunan kundi ang ating mga sarili" - Heneral Luna
Maaring may mga taong sumasakop sa ating bayan ngunit tayo mismo ang nagiging sanhi kung bakit hindi natin nakakayanan ipaglaban ang ating bayan.
Maaring may mga taong sumasakop sa ating bayan ngunit tayo mismo ang nagiging sanhi kung bakit hindi natin nakakayanan ipaglaban ang ating bayan.
Ang katotohanan na nangyari sa ating bansa noong unang panahon, tayong mga Filipino mismo ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo naging alipin ng mga banyagang bansa.
Ang problema diyan ay wala tayong pagkakaisa at ang ilan ay mga traidor . Minsan tulad ng ating mga kaibigan kailangan nating piliin ang mga ito ng mabuti. Kung ang mga ito ba ay mapagkakatiwalaan o dapat iwasan upang hindi mapariwara.
Sa Val. Ed.
Nagkaroon kami ng isang aktibidad kung saan mayroon isang grupo ng mga kahon. Kailangan naming kilalanin ang tamang kahon at ang tamang kumbinasyon nito upang pumunta sa tamang landas ang mga ito hanggang sa katapusan ng mga kahon.
Nahirapan kami na magawa ito dahil ang ilan sa aking mga kasamahan sa koponan ay hindi madiskarte at at hindi alam ang pattern. Ang ginawa namin ay nagtulungan kami sa isa't isa at ipinaliwanag ang pattern sa kanila. Naging masaya kami kasi natapos namin ang aktibidad.
Sa Filipino
Natutunan ko ang paggamit sa wastong gamit ng salita tulad ng:
Din at Rin/Daw at Raw Nang at Ng
Kung at Kong
May at Mayroon
Subukin at Subukan
Pahiran at Pahirin.
Pagkakaibigan
Ang huling pasabi tungkol sa pagkakaibigan
Ang huling pasabi tungkol sa pagkakaibigan
Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat kung gaano na kayo katagal nagkakilala. Ang mahalaga ay nagkakaintindihan kayo sa isa't-isa. Hindi rin batayan sa pagkakaibigan kung sino ang nagbigay o humingi ng payo.
Hindi kailangang magkakilala kayo ng personal para lang masabing magkaibigan kayo.
Sa panahon ng teknolohiya ngayon, may mga pagkakaibigan na nabubuo sa isang social networking sites katulad ng Facebook, Instagram at Pinterest.
Kahit ang mga nasabing magkaibigang tunay ay hindi rin nawawala ang pagtatampuhan kung minsan.Pero sa huli, ang tunay na pagkakaibigan ay namamayani at isasantabi ang sama ng loob sa isa't isa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento