Ang Aking Sarili
Ikaapat na blog ko na ito. Napagtanto ko na hindi ko pa pala naipakilala ang aking sarili sa inyo.
Marami ang nagsasabi na ako ay lubos na nilang kakilala ngunit hindi nila
alam kung sino nga ba talaga ako sa kabila ng kanilang nakikita.
Ano nga ba ang aking naging simula? Sino nga ba ako? Ako si Renz Nathaniel B. Luyao. Ipinanganak ako sa Ciudad Medical Zambonga, Zamboanga City. Ako ang pangalawang anak nina Florencio R. Luyao, Jr. at Nathalie B. Luyao.
SINO AKO |

Minsan, nakakatuwa na isipin na may mga pagkakataon na kung saan
naipapagmalaki natin sa ating mga sarili na ang may kaalaman tungkol sa ating
mga sarili ay ang ating mga sarili rin.
Madalas mangyari sa akin iyon. Ngunit, di lingid sa akin, nagiging sanhi rin ito ng hindi pagkakaintindihan at sa kalaunan…tila darating tayo sa konklusyon na mali pala ang ating ipinagmamalaki.

Sa madami at tila sunod-sunod na pagkakataon na dumating iyon sa
aking buhay, mga tanong ang tumatanim sa aking isipan. Nakakatuwa, ang mga
tanong na nasa aking isipan ay tumugma sa mga tanong na nakasaad bilang gabay
sa paggawa ng pagsalamin sa sariling ito.
Ang Aking Sarili |
Una, ang tanong na ukol sa mga pinahahalagahan. Ano nga ba ang mga
bagay na pinahahalagahan ko? Ano ang mga bagay na isinasaalang-alang ko?
Sa unang tingin, sobrang napakarami ng mga ito. Pinahahalagahan ko ang aking sarili, ang aking pamilya, ang kalayaan, dignidad, kapayapaan ng sarili, at kahit ang aking pakikibilang.
Pinapahalagahan ko rin ang opinyon ng ibang tao, ngunit sa lebel lamang ng pananalamin sa aking sarili. Pinapahalagahan ko rin ang katotohanan, responsibilidad, pagtulong at komitment.

Pinahahalagahan ko ang mga maliliit na bagay na bumubuo sa
aking sarili, maging ito man ay panloob o panlabas lamang.
Sa aking paniniwala, ang mga pinahahalagahan kong ito ay isa sa mga sangay kung saan nakikita ko at nakikilala ko ang aking sarili.
Sabi nga ng iba: “Sabihin mo sa akin kung sino ang iyong mga kaibigan, at sasabihin ko sa iyo kung sino ka”. Sa analohiyang ito, ang mga bagay na pinahahalagahan ko ay tila mga kaibigan na maaring magsalamin sa akin upang makita ko ang aking pagkatao at pagka-tao sa kabuuan.

Ang Aking Pinahahalagahan |
Ano ang aking mga pinaniniwalaan? Sa pagtagal at pag-usad ng
panahon, ang aking mga mababaw na paniniwala ay unti-unting nawala sa aking
isipan, ngunit ang mga malalalim at mahahalagang paniniwala ay nanatili.
Naniniwala ako na mayroong Diyos, na bagamat iba-iba ang katawagan, ngunit ito ay iisa pa rin. Naniniwala ako sa pag-ibig, na pinagmumulan ng kabutihan at nagpapalabas sa tunay na kulay ng isang tao. Naniniwala ako sa karapatan ng tao na maging malaya at matuto na gamitin ang isip, hindi lamang upang maabot ang katotohanan, ngunit upang malaman din ang nilalaman ng isipan.
Naniniwala ako sa kapatawaran ng kasalanan at pagkukulang, maging ito man ay sa sarili, o sa iba, o maaari rin naman sa Diyos.
Naniniwala ako sa katotohan, na kahit ito man ay bunga ng iba’t-ibang paraan ng pagtuklas at pagkakaalam, ay iisa pa rin.

Ang aking mga pinaniniwalaan |
Anu-ano ang aking mga kailangan? Isa sa mga kinakailangan ko
ay oras para sa aking sarili at sa mga bagay na pinahahalagahan ko.
Nakakalungkot isipin, hindi ko ito nagagawa ng madalas. Kailangan ko rin ng pang-unawa sa minsang pagiging iba ng aking isipan at pag-intindi ukol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa aking kapaligiran.
Kailangan ko ng mga tao na makikinig at makakintindi ng aking mga iniisip at nadarama.
Kung sa pansarili naman ang pag-uusapan, kailangan ko ng kapayapaan ng isip, lalong matinding paniniwala sa kakayanan ko, at paniniwala sa ibang tao.
Alam ko na matibay na ang aking paniniwala sa Diyos, ngunit kung hindi man lubos, nangangailangan pa rin ako ng tibay at tatag ng pananampalataya sa kanya. Minsan kasi, nararamdaman ko na tila umaalpas ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak.

Ang aking mga kailangan |
Mahal ko ang aking sarili. May mga bagay na aking gagawin para
mapasaya at makuntento ako ngunit ito ay may limitasyon. Sa lahat ng aking gagawin
ay kailangan Kong isipin ang mararamdaman ng iba, hindi dahil masaya lang ako
ay gagawin ko na.
Madami akong bagay na kayang gawin para sa mga mahal ko na kahit
walang kapalit o pasasalamat ay akin pa ring ibibigay.
Handa akong magparaya sa aking mga kapatid, magsakripisyo para sa pamilya, magsilbi sa Diyos at bayan at ibigay at isakripisyo ang lahat para sa taong aking mamahalin habang buhay.
Lahat ng iyan ay magagawa ko dahil alam Kong yan ang ikasasaya ko, mahal ko ang sarili ko at yan ang mga bagay na makakapagbigay sa akin ng tunay na kasiyahan.

Laging sinasabi sa akin ng aking Nanay na sa huli ay tanging sarili
ko lamang ang makakatulong sa akin, ngunit alam ko na kung ako ay magtatanim ng
kabutihan sa iba ay tiyak na maraming tao ang makakaalala sa akin. Naniniwala ako na
kung ano ang ibibigay mo ay babalik sa iyo. Kung hindi man, Diyos na ang
bahala sa akin. Magtutulungan kami.
Kaya kung ikaw ay makakasarili isipin mo na lang na kung mamatay ka
ngayon, sino ang bubuhat sa kabaong mo? Maglilibing sa iyo? Sinong magdadasal para
sa kaluluwa mo? Magagawa mo pa ba iyon paras sa sarili mo? Hindi na. Kaya habang
may oras ka pa itama mo na lahat para kapag dumating ang panahon na ikaw ay mamaalam, mga totoong luha ang papatak sa iyong huling himlayan.
"Being myself is what got me to where I am". -Jeff Hardy |
Sa lahat ng aking nabanggit, huli kong tanong sa sarili ko sa
pagkakataong ito: Nasaan na nga ba ako? Sino na nga ba ako?
Ako ay isang nilalang. Isang tao na patuloy na nagpalakas sa
napakahabang landasin ng buhay. Na sa sa bawat liko ay nag-iisip kung saan ba ako
nababagay na magpatuloy.
Nakakatuwa. Minsan din ay naitatanong ko sa sarili kung bakit ko nga ba napili ang daang dinaanan ko. Ngunit, kung ano man ang maihahandog sa akin ng aking pinili, alam ko na ito’y sa akin.
“ God has given you one face, and you make yourself another.” – William Shakespeare

gusto q 2
TumugonBurahin