Blog. Blog. Blog.
Kung minsan ang mga tao ay
nahihirapang sabihin ang kanilang mga
damdamin o magsabi ng maseselang bagay sa harap ng maraming tao at magbibigay ng mga impormasyon. Kaya isa
ito sa mga importansya ng blogging.
Ito ang aking pangatlong blog at ang blog na dapat naming gawin ay tungkol sa "Ina". Bago ako magsimula magpapahiwatig muna ako tungkol sa blogging para makita ng ibang tao ang kahalagahan ng blogging.

Ang paggamit ng blog ay isang paraan
upang sabihin sa lahat ang nais mong sabihin at ipahayag ang iyong damdamin at
emosyon.
Ang paggawa ng isang blog ay hindi madali
at nangangailangan ng pasensya, oras at konsentrasyon.
Unang pagmulat pa lamang ng ating mga
mata mukha ng ating ina ang ating masisilayan, ang kanyang matatamis na ngiti
at haplos na puno ng pagmamahal. Pero bago natin pag-uusapan yan ay ibabahagi ko muna kung ano ang nangyari sa nakaraang linggo.
Sa Integrated Science
Tinalakay namin ang tungkol sa "atmospera".
Ang atmospera ay may iba't-ibang katangian
ang temperatura, kahalumigmigan, density at presyon.
Nang walang proteksiyon na layer ng mga
gas na bumubuo sa kapaligiran ng mundo, ang malupit na mga kondisyon ng solar
system ay magbibigay sa planeta ng isang baog, walang buhay na balat tulad ng sa buwan.
Ang kapaligiran ng daigdig ay pinoprotektahan at pinapanatili ang mga naninirahan sa planeta sa pamamagitan ng pagbibigay ng init at pagsipsip ng mapaminsalang solar rays. Bilang karagdagan sa pagkakaroon ng oxygen at carbon dioxide, kung saan kailangang mabuhay ang mga nabubuhay na bagay, ang kapaligiran ay pumipigil sa enerhiya ng araw at nagbababa ng maraming panganib ng espasyo.

Ano ang masasabi ng isang tao tungkol sa
kanyang ina? Halos lahat ng tao ay pag-uusapan ang mga mabubuting katangian ng isang ina. Ang mga ina ay mapagmahal, bukod tangi, mapag-alala at maasahan sa lahat ng bagay.
Sa Math
Ang pag-aaral ng matematika ay isang
proseso na nangangailangan ng oras. Tinalakay namin ang tungkol sa mga
"rational expressions". Ang aming unang impresyon nito ay "ang hirap naman niyan." Ngunit nang
ipinaliwanag ito ng aming gurong sa amin, agad namin itong naunawaan. Naintindihan
namin na ang aming nakaraang aralin ay konektado sa aming kasalukuyang aralin
sa mga “rational expressions”.
Bawat isa ay may mga nagawa sa kani-kanilang buhay, at sa likod ng mga kabutihan ay may isang taong may epekto sa kanilang buhay, ito ay ating mga ina.
Ang aking ina ang aking pinakadakilang impluwensiya sa maraming bagay. Sinusuportahan niya ako lagi sa aking mga desisyon at ipinaalala niya sa akin na ang tagumpay ay nakakamit sa pamamagitan ng pagsisikap. Pinapasigla niya ako lagi at itinuro niya sa akin na palaging maniwala sa aking kakayahan.

Tinalakay namin ang tungkol sa:
1. Declarative Sentence
2. Interrogative Sentence
3. Imperative Sentence
4. Exclamatory Sentence
May napansin ako na ang mga pangungusap
na ito ay ginagamit palagi ng aking nanay tulad ng declarative. Siya ay laging
nagbibigay ng ilang mga payo. Interrogative siya ay palaging nagtatanong kung
pagod ba ako o kailangan ko ba ng tulong. Imperative na kung saan siya ay nagbibigay ng utos kasi napapagod rin sila. Exclamatory na kung saan ang saya-saya ng aking ina ng ako ay pumasa sa pasulit ng Philippine Science High School.
Sa Values Education
Napag-usapan namin ang
tungkol sa pagtitiyaga. Walang tagumpay na makakamit kung wala nito.
Ang pagiging masaya at maaliwalas ay
nakakatulong na mananatiling malusog. Ang pasensya ay isang mahalagang katangian upang maabot ang ang tagumpay. Ito rin ang nagbibigay ng paraan upang mapag-isipang mabuti ang mga bawat gawing desisyon. Ito rin ang paraan upang maabot ang tamang landas.
Tulad ng nanay ko na kahit pagod na pagod na siya pinapatuloy pa rin niya ang trabaho niya sa bahay tulad ng paglilinis, paglalaba at pag-aalaga sa amin.
Ina
Tulad ng nanay ko na kahit pagod na pagod na siya pinapatuloy pa rin niya ang trabaho niya sa bahay tulad ng paglilinis, paglalaba at pag-aalaga sa amin.
Ina
Ang ina ang ilaw ng tahanan, gumagabay sa
mga anak, nagtuturo ng mga magagandang asal, nagbibigay ng mga payo, gumagawa
ng mga paraan kung papaano mapadali ang mga gawaing bahay, ginagawa ang
lahat para sa ikabubuti ng pamilya at higit sa lahat, pamilya ang laging unang
iniisip.
Kay laki ng ginagampanan ng isang ina sa
pamilya. Hindi ba? Ang swerte kaya ng bawat tao, ng bawat pamilya pag may ina pang
nagbabantay sa kanila.
Kahit ano pa ang tawag natin sa kanya
mama, nanay, inay at mommy, siya pa rin ang nag mamahal at nag aalaga sa
atin. Ang mama ko ay napakamaalagain.
Minsan naiiyak na si mama sa sobrang
tigas ng ulo naming magkakapatid pero hanggang ngayon nandito pa rin sya at
patuloy nya kaming inaalagaan. Ang laki nang pasasalamat ko sa aking mama dahil
kung wala sya, walang gagabay sa lahat ng desisyon ko.
Kahit hindi ko nasasabi na mahal na mahal ko sya at hindi ko nasasabi ang aking mga problema, andyan parin sya para gabayan ako.
Kahit hindi ko nasasabi na mahal na mahal ko sya at hindi ko nasasabi ang aking mga problema, andyan parin sya para gabayan ako.
Ako ay humihingi nang tawad sa mga
nagawa kong kasalanan at sa mga pabalang kong pagsagot at akoy ay nagpapasalamat sa
mga gabay at pagmamahal na binibigay nya para sa akin.
Para sa akin, walang makakapantay sa aking ina. Hindi man ako binigyan ng diyos ng maraming marangyang pamumuhay, ako naman ay kanyang gingabayan upang makamit ang mga pangarap sa buhay.
Para sa akin, walang makakapantay sa aking ina. Hindi man ako binigyan ng diyos ng maraming marangyang pamumuhay, ako naman ay kanyang gingabayan upang makamit ang mga pangarap sa buhay.
Lodi ernz!
TumugonBurahin